Bulalo

Bulalo

Mga sangkap

2 bias ng baka
20 tasa ng tubig
1 malaking sibuyas, hinati sa gitna
3 kutsay, hiniwang maliliit
10 tasa chiken broth

Paraan ng Pagluluto

1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap sa malaking kaldero at pakuluan. Alisin ang mga pumapaibabaw na latak ng buto.
2. Takpan ang kaldero at hayaang kumulo ng isang oras o hanggang maluto.

[+/-] Show Full Post...

Bistek Tagalog

Bistek Tagalog

Mga sangkap

100 ml mantika
200 grams atsara
200 grams letsugas
720 grams karneng baka lomo
50 grams bawang tinalupan
200 grams sibuyas hiniwang pabilog
150 ml toyo
200 grams katas ng kalamansi
2 grams buong paminta

Paraan ng Pagluluto

1. Ibabad ang karneng baka sa dinurog na bawang, toyo at katas ng kalamansi.
2. Iprito ng katamtaman ang karneng baka bago hanguin sa kawali.
3. Igisa ang sibyas ng malasado.
4. Idagdag ang toyo at katas ng kalamansi sa sibuyas at pakuluin hanggan lumapot.
5. Iayos ang piniritong karneng baka sa bandehado.
6. Ibuhos ang sibuyas suace sa karneng baka.
7. Ihain ng may atsara.



[+/-] Show Full Post...

Tapa


Tapa

Mga sangkap

1 kilo baka (piliin ang pare na pang-tapa)
1/4 tasang toyo
1/4 tasang 7-up o Sprite
3 kutsarang katasng kalamansi
Pamintang durog
Asin

Paraan ng Pagluto

1. Hiwain nang manipis ang baka.
2. Sa isang plastik na lalagyan, paghaluin ang bakaat ang lahat ng sangkap at ibabad ng 2 araw.
3. Iprito ang baka sa kaunting mantika na may mahinang apoy.

[+/-] Show Full Post...

Kare-kare

Kare-kare

Mga sangkap

1 1/2 tasang buntot ng baka, hiniwa ayon sa gustong laki
1 1/2 tasang tuwalya ng baka, hiniwa ayon sa gustong laki
1 kustsaritang asin
6 tasang puso ng saging, hiniwang pahilis, 1/2 pulgadang haba
3 tasang talong, hiniwang pahilis, 1 pulgadang haba
1 tasang sitaw, 1 pulgadang haba
3/4 tasang peanut butter
1 supot kare-kare mix
1/2 tasa bagoong alamang

Paraang ng Pagluluto

1. Palambutin ang buntot at tuwalya ng baka sa 1 tasang asin. Palambutin. Magtabi ng 3 tasa ng sabaw.
2. Unahing idagdag ang puso ng saging. Kapag medyo luto na ay isunod ang talong. Ihuli ang sitaw. Pakuluan ang mga gulay hanggan maluto.
3. Timplahan ng kare-kare mix. Haluing mabuti.
4. Idagdag ang peanut butter at pakuluan ng 2 minuto hanggan lumapot.
5. Ihain kasama ang ginisang bagoong na alamang.


[+/-] Show Full Post...

Beef Stew

Beef Stew

Mga sangkap

1. kilo baka, hiniwa ng tig 1 1.2 pulgada
4 pirasong bacon
4 ulo ng bawang , pinitpit
1 sibuyas, tinadtad
3 siling pula at berde, hiniwa ng pahaba
5 patatas, hiniwa sa apat na bahagi at bahagyang prinito
1 maliit na lata ng tomato paste
2 carrots, hiniwa ng pakuwadrado
1 dahon ng laurel
1 1/2 tasang tubig

Paraang ng pagluluto

1. Prituhin ang bacon at itabi.
2. Sa parehong kawali, igisa ang bawang.
3. Idagdag ang karne at papulahin.
4. Isama ang sibuyas at tomato paste.
5. Haluin at pakuluin nang 5 minuto.
6. Idagdag ang tubig, laurel at timplahan ng asin at betsin.
7. Pakuluan hanggan lumambot ang karne.
8. Dagdagan ng kaunting tubig kapag medyo natutuyuan.
9. Kapag malapit nang maluto, idagdag ang siling pula at berde, carrots at piniritong patatas.
10. Lutuin ng 10 minuto at palamutian ng bacon sa ibabaw.

[+/-] Show Full Post...

Kalderetang Baka

Kalderetang Baka

Mga sangkap

2 kutsarang mantika
1 tasang patatas, hiniwang pakuwadrado
6 tasang baka, hiniwa ayon sa gustong laki
1 tasang tubig
1 paketeng caldereta sauce
1 pirasong siling pula, hiniwang pahaba
1/2 tasa gisantes

Paraang ng Pagluluto

1. Magpainit ng mantika. Iprito ang patatas at itabi.
2. Iprito ang baka at papulain. Dagdagan ng tubig at pakuluin hanggan lumambot.
3. Idagdag and caldereta sauce, piniritong patatas at sling pula. Haluin hanggan lumambot ang mga gulay.
4. Idagdag ang gisantes bago hanguin.

[+/-] Show Full Post...

Daing na Bangus

Daing na Bangus

Mga sangkap

1 bangus (hiniwa ng pang-daing)
1 buong bawang, pinitpit
1 tasang suka
1/2 kutsarang paminta
Asin

Paraan ng Pagluto

1. Sa isang plastic na lalagyan, ibabad ang bangus sa suka na mayroong bawang at paminta ng magdamag.
2. Timplahan ng asin.
3. Prituhin

[+/-] Show Full Post...