Tinolang Manok
3 librang pitso ng manok, hiniwa ayon sa gustong laki
2 kutsarang mantika
2 kutsarang luya, hinwang pahaba
1 ulo ng bawang, dinikdik
1 katamtaman sibuyas, hiniwa
2 kutsarang patis
1 kutsarang asin
5 tasang tubig
2 tasang hilaw na papaya, hiniwang pakuwadrado
Paraan ng Pagluluto
1. Magpakulo ng mantika sa isang kaserola sa katamtamang init, Igisa ang luya, bawang at sibuyas sa loob ng 1 minuto.
2. Idagdag ang manok at gisahin hanggang maging mamula-mula. Timplahan ng patis at asin.
3. Dagdagan ng tubig. Pakuluan ito sa mahina apoy at hayaang kumulo-kulo sa loob ng 30 minuto o hanggan lumambot ang manok
4. Idagdag ang papaya, iluto ng 5 minuto o hanggan lumambot ang papaya
5. Takpan ang kaserola at alisin sa apoy.