Bistek Tagalog
Bistek TagalogMga sangkap
100 ml mantika
200 grams atsara
200 grams letsugas
720 grams karneng baka lomo
50 grams bawang tinalupan
200 grams sibuyas hiniwang pabilog
150 ml toyo
200 grams katas ng kalamansi
2 grams buong paminta
Paraan ng Pagluluto
1. Ibabad ang karneng baka sa dinurog na bawang, toyo at katas ng kalamansi.
2. Iprito ng katamtaman ang karneng baka bago hanguin sa kawali.
3. Igisa ang sibyas ng malasado.
4. Idagdag ang toyo at katas ng kalamansi sa sibuyas at pakuluin hanggan lumapot.
5. Iayos ang piniritong karneng baka sa bandehado.
6. Ibuhos ang sibuyas suace sa karneng baka.
7. Ihain ng may atsara.